Font Size
Juan 15:25-27
Ang Dating Biblia (1905)
Juan 15:25-27
Ang Dating Biblia (1905)
25 Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan, Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan.
26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
27 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una.
Read full chapter
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)